Attend Parties by Pastor Ed Lapiz


Attend parties. Just make sure that they are wholesome. Hindi yung pag-uwi ay bangag kayo. Hindi yung kung anu-ano ang pinaggagagawa nyo dun. Part of our life is to socialize. Be a joiner. Huwag kayong laging “Ayoko. Hindi ako sasama.” Niyayaya ka sa gathering, “Ayoko. Hindi ako sasama.” Pag ganyan kayo, hindi kayo maggu-grow to the fullest. Alam nyo rin naman dapat ang mga limitasyon. Huwag naman yung kayo ang nagbubukas ng party at kayo rin ang magsasara. Kailangan alam nyo rin kung kailan tamang umuwi. Hindi rin lahat ng party ay pinupuntahan. Papayagan kayo ng mga magulang nyo pag maganda ang record nyo. Pag sinabi nyong dun kayo pupunta, dapat dun kayo pupunta. Pag nagpaalam kayo kung anong oras ang uwi, ganoong oras dapat umuwi. Join parties so long as they are wholesome. Hindi naman kailangang maging prayer meeting yun. Hindi kailangang maging praise and worship. Join retreats and if you can afford, join youth exchanges. Sumali ka sa Youth for Understanding at sa iba’t ibang youth exchanges. Nakakapagpayaman yan sa inyong pagkatao.

Isang katotohanan ng buhay yung tungkol sa “so called” successful people. They are not necessarily bright. They are not necessarily well-educated. But generally speaking, successful people are well-connected. Why? We always need help to succeed. Kung negosyante kayong nagsu-supply ng mga abakang tsinelas sa SM Megamall at naiinis sa inyo ang purchasing officer, tiyak na hindi siya sa inyo bibili. Bibili siya sa inyong competitor. You need help para kayo ang piliing bilhan. Pag nag-aaplay kayo sa trabaho at yung clerk na tumatanggap ng inyong mga forms ay naaasar sa inyo, itatapon niya sa basurahan ang inyong application. Hindi na kayo mai-interview kahit kailan. Hindi nyo alam, kailangan nyo ng tulong ng isang clerk para kayo mag-succeed o may magbukas na pinto ng opportunity para sa inyo. You always need the help of people to succeed. Kahit pa kayo bobing kung may mga taong nagmamahal sa inyo, gustong tumulong sa inyo, malaki ang chances ng inyong pagtatagumpay.   People must be well-connected. Kaya mahalaga that you go to school. Why? Sa school ay makaka-develop kayo ng mga friendship with people na merong mga ambisyon. Later on, sa kanilang mga ambisyon at pagsisikap at sa tulong ng Panginoon, nalalagay sila sa mga position that may be instrumental in your own success later. Sino ba ang nagpapaandar ng buong Pilipinas? Sino ang mga mayayaman? Sino ang mga makapangyarihan? Sino ang nagpapalakad ng gobyerno? No offense meant, pero yung mga graduate sa U.P., La Salle at Ateneo. Sila-sila rin kasi ang nagtutulungan. Sila-sila yung mga nauna. Ang liit-liit ng chance mo kung nag-aral ka halimbawa sa Bacnotan Colleges. Kasi, sino ang kilala mo sa high places? Ang mga kaeskuwela mo ay clerk sa city hall, hindi ba? Yung kaeskwela mo, siguro ay receptionist sa Philippine Village Hotel. Pero yung mga matataas ang ranggo dun, usually ay nanggaling sa mga eskuwelahang kilala. Hindi ko kayo minamaliit kung galing kayo sa eskuwelahang hindi kilala kasi extraordinary talent will always open doors as well. Pero kung hindi kayo nanggaling sa mga kilalang eskuwelahan, at medyo wishy-washy pa yung grade nyo, mahihirapan kayo to make it in this country. Kung nasa ordinaryong eskuwelahan, kailangan extraordinary ang inyong effort.

party3

Maraming magulang ang gumagastos ng malaki para sa edukasyon ng kanilang mga anak dahil gusto nilang ang maging kaibigan nyo ay yung at least maykaya. Alam kasi nilang ang mga kaibigan nyo rin ang magbubukas ng mga pinto para sa inyo later on. Kaya yung mga absentero at mahilig sa cutting classes, pare-pareho silang hindi makakatapos ng mga kaibigan nila. Pare-pareho rin sila ng naging trabaho. Ayaw nyo naman sigurong maging si Sauna Masahista no. 24. Mabuti kung sa beauty contest ang number nyo, eh kung masahista sa sauna? Chances are, the help that you will need to succeed will come from people that you have befriended all your life. I’m not telling you to prostitute friendship and to develop friendship only for your selfish interest. Hindi! Pero kahit saan kayo pumunta magkakaroon kayo ng mga kaibigan. Eh di piliin nyo na kung saan kayo pupunta? Kung ang mga kaibigan nyo ay laging mga bangag at hilo, magkikita-kita uli kayo kung saan-saan. Pag hindi kayo nagbago, ang kakawakasan nyo kungdi sa Bilibid ay sa sementeryo. Halimbawa, mga girls, may mga kaibigan kayo sa school na mga haliparot. Ipinaghahampasan ang katawan sa apat na sulok ng mundo. Lahat ng lalaking dumadaan na naka-Adidas, nobyo. Lahat ng party, kasali. Hindi naman damit ay kung bakit laging nakasampay kung kani-kaninong mga lalaki. Kung ganito ang mga barkada nyo, sa palagay nyo sa pagtanda nyo, ano ang magiging daigdig nyo? Totoo ang kasabihang Tell me who your friends are, I’ll tell you who you are. Dapat, joiner tayo sa mga wholesome activities for us to meet wholesome people.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s