Finish Schooling by Ptr. Ed Lapiz


Hangga’t pinag-aaral kayo ng magulang o sinuman, mag-aral kayo. Pag pinag-aaral kayo ng inyong mga magulang, they are doing you a favor. Do not behave like you are doing your parents a favor by going to school. Finish your studies and learn from school. May iba nga diyan, may litrato pang nakatoga hindi naman pala talaga gumradweyt. Nagpakuha lang sa Morayta. Umarkila ng costume at nagpagawa ng diploma para maniwala yung mga magulang. You’ve got to finish your schooling. Privilege nyo kung kayo ay pinag-aaral, kasi kung hindi naman kayo pag-aaralin, ano ang gagawin nyo? Liban na lang kung you’re really talented and gifted. Wala kayong mararating pag pa-bilyar-bilyar, pa-absent-absent kayo. Usually ang magiging boss nyo yung mga kaklaseng laging nag-aaral. Mas marami kayong tinatawag na “ma’am” at “sir,” mas maliit ang inyong suweldo. Siguro ang ibig sabihin mas marami kayong absent nung nag-aaral kayo o hindi nyo tinapos ang inyong pag-aaral. Ngayon, kung dahil sa kahirapan kaya hindi kayo nakapagtapos, hindi nyo na kasalanan. Pero yung pinag-aaral kayo, tapos hindi kayo pumapasok sa eskuwela, kasalanan nyo pag hindi kayo umasenso sa buhay.

Mabuti nang mabuti kung ang mga magulang nyo ay laging nandyan. Na pag may problema kayo lulutasin nila. Eh kung bigla silang kinain ng dilim? Bigla silang naglaho sa balat ng lupa. Sino ang lulutas ng mga problema nyo? Eh, di kayo! Kaya importante, habang pinag-aaral ay mag-aral. At kung talagang kailangang tumigil, tandaan nyo, huwag kayong titigil sa gitna, halimbawa ay second year o third year high school. Ang hirap balikan yun. Dapat ay makatapos man lang kayo ng high school bago kayo tumigil. At least kahit kailan puwede kayong mag-college. Pero kung tinapos nyo hanggang third year high school tapos ay nagluko kayo, kung anu-ano ang pinaggagawa ninyo, and then yung 29 years old gusto nyong ituloy mag-aral, “Parang dyahi namang 29 na ako magpu-fourth-year high school pa ako.” See? Kung tapos ka ng high school, kahit 29 ka na, di pa rin masyadong mahirap socially speaking kung magka-college ka.

bored

Kaya habang pinag-aaral ay samantalahin nyo. Maraming kabataan ang gustong mag-aral pero hindi makapag-aral dahil hindi kaya ng magulang. O may kakayahan naman ang magulang pero ayaw silang pag-aralin. Marami akong kakilalang pwede namang ma-afford magpaaral pero sabi nung tatay. “Huwag na. Tulungan mo na lang ako dito sa welding shop.” “Tulungan mo na lang ako dito sa bukid.” Liban na lang kung gifted kayo talaga at liban na lang kung meron kayong natapos, mahirap magkaroon ng magandang hanapbuhay. Hindi lang tapusin kundi galingan din yo ang inyong mga marka. Pag nasa ganyang stage, “Naku, I don’t care about grades.” Pero alam nyo, pag nasa competitive world na kayo, mahalaga yung grade. Everything being equal when you apply for a job, titingnan ang biodate nyo. Siyempre kung may mas mataas ang grade, siya ang makukuha. Don’t just earn grade and units in school, but really learn. Because what you learn will become you. What you do not learn becomes what you lack.

Advertisements

2 thoughts on “Finish Schooling by Ptr. Ed Lapiz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s